Kung Sabagay Lyrics – Sarah Geronimo

Nagsimula nang mamasdan ang iyong mukha
Naramdaman ang pag-ibig at pagsinta
Habang tumatagal
Lalong minamahal
Ngunit ngayon tadhana man ay nag-iba
Yaring pag-ikot ng mundo’y tumigil na
Akala’y mag-paalam
Di ko sadyang lumisan
Kung sabagay may karamay ka
Sa’yong paglalakbay
Kung sabagay may umaga pang
Sa’yo’y naghihintay
Di kailanman nawalay
At hawak ko ang iyong kamay
Maging hanggang sa kabilang buhay
Kagaya nang isang bituing kumikinang
Na sa dilim liwanag ay magigisnan
Laging gumagabay
Hanggang sa mahimlay
Kung sabagay may karamay ka
Sa’yong paglalakbay
Kung sabagay may umaga pang
Sa’yo’y naghihintay
Di kailanman nawalay
At hawak ko ang iyong kamay
Maging hanggang sa kabilang buhay
Kung sabagay may karamay ka
Sa’yong paglalakbay
Kung sabagay may umaga pang
Sa’yo’y naghihintay
Di kailanman nawalay
At hawak ko ang iyong kamay
Maging hanggang sa kabilang buhay